Tuesday, October 16, 2012

Gabriela pins attack on Zobel family, govt soldiers

AFP at Pamilya Zobel ng Asturias MIning Corporation, panagutin sa tangkang pagpaslang kay Daisy Ayo, lider GABRIELA

Cabuyao, Laguna- Mariing ipinapahayag ng GABRIELA-ST ang pagkundena sa bigong pagpaslang kay kasamang DAISY AYO mula sa Calatagan, Batangas. Si Daisy Ayo ay isang lider kababaihan na kasapi ng GABRIELA-Batangas at miyembro ng Samahan at Ugnayan ng Mamamayan ng Batangas (SAMBAT).

 
Tanghali kahapon ng pagbabarilin si Daisy ng dalawang lalaking nakamotor at naka-bonnet sa palengke ng Calatagan sa Brgy. Lucsuhin. Masuwerte lamang siyang nakaligtas ng tumakbo palayo sa mga salarin sa tangkang ito ay tinamaan siya ng bala sa pige at kasalukuyang nasa hospital.

Ayon kay Rjei Manalo, Pangkalahatang Kalihim ng GABRIELA-Southern Tagalog "Hindi kailanman naging ligtas ang kababaihan sa pandarahas ng  AFP, 18 na ang biktimang Extra Judicial Killings sa Timog Kataglugan, at ito ang unang tangka nilang pagpaslang sa hanay ng kababaihan."



All photos courtesy of Gabriela-ST.


Aktibo ang GABRIELA-Batangas at SAMBAT sa paglaban sa pamilya Zobel na kinakamkam ang kanilang lupa upang isailalalim sa pagmimina at iba pang proyektong pangkaunlaran. Ang lupang ito sa Calatagan ay isang lupang sakahan na siya lamang ikinabubuhay ng daan-daang pamilyang magsasaka.

Ang Asturias Mining Corporation ang siyang may planong malakihang pagmimina na sisira sa kabuhayan at buhay ng mamamayang Batangenyo. At walang may iba pang motibo upang paslangin si Daisy, tinangka siyang paslangin dahil sa aktibong anti-minang tindig ng kanilang komunidad at organisasyon.

Bago pa ang insidenteng ito ay patuloy na nakakatanggap ng mga paninira at pananakot si Daisy bilang kasapi ng militanteng grupong GABRIELA. Kasunod ito ng malawakang deployment ng panagupa ng batalayon ng Philippine Air Force at Philippine Army sa mga baranggay ng Calatagan na aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatan sa lupa.Tanging ang AFP at pamilya Zobel ang may motibo upang paslanginsi Daisy. Kilala siya sa kanilang baryo bilang isang mahusay na lider at organizer ng GABRIELA. Matapang at may tindig sa isyung pangkababaihan at ng mamamayan ng Batangas.
All photos courtesy of Gabriela-ST.

"Nanawagan ang GABRIELA-ST sa lahat ng mga balangay at kasapi nito sa buong rehiyon. Higit nating palakasin ang ating hanay. Huwag tayong matakot sa mga pakanang ito ng mga panginoong may lupa at mayayamang kapitalista kasabwat ang AFP. Patuloy nating i-abante ang ating mga batayang karapatan bilang mamamayan,” ito ang panawagan ni Manalo sa kasapian ng GABRIELA.

###