Sunday, January 20, 2013

National Autism Consciousness Week


Logo from Autism Society of the Philippines

17th National AUTISM Consciousness
Week Celebration
Enero 20 to 27, 2013
Theme: “Autismo Alamin: Pagtanggap at Pag-Unawa Palaganapin”

ISA sa bawat 88 na bata ang may autismo sa USA (Autism and Developmental Disabilities Monitoring (ADDM) Network in April 2012) at marami pa ang magkakaroon ng autism sa darating na mga taon. Ang Autismo ang siyang pinakamabilis dumami na developmental disability sa mundo.
Dahil sa kalagayang ito, ang United Nations General Assembly ay nagdeklara ng April 2 bilang World Autism Awareness Day (WAAD) noong 2008.

Ang autismo ay isang panghabang-buhay na kapansanan na uma apekto kung paano  ini interpret ng utak ng isang tao ang kanyang nakikita, naririnig, nahihipo, naaamoy  at nalalasahan. Ang mga taong may autismo ay nahihirapan makikipagsalamuha sa kapwa,  makikipagkomunikasyon, at makikibagay sa mga bagong tao at kapaligiran. Ang autismo ay walang lunas pero sa maagang deteksiyon, tama at maagap na therapy at edukasyon, ang mga batang may autismo ay kayang maging produktibong mamamayan ng lipunan.

Sa Pilipinas, tinatayang may 1 million Filipinong pamilya ang apektado ng autismo. Ang Autism Society Philippines (ASP) ang nangunguna sa pagbigay ng suporta at serbisyo sa mga pamilyang apektado ng autism sa pamamagitan ng kanyang 62 na chapters sa buong Pilipinas at sa tulong ng mga agensya ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Ang linggo ng Autismo o Autism Consciousness Week ay nasimulan noong 1996  ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong kanyang nilagdaan ang Presidential Proclamation No. 711 na nalalayong itaas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa autismo at para magkaroon ng programa at serbisyo para sa mga taong may autismo at sa kanilang pamilya.

Ang tema sa taong ito “Autismo Alamin: Pagtanggap at Pag-Unawa Palaganapin” ay nagnanais na lalong paigtingin ang kaalaman ukol sa autismo bilang isang kondisyon,  unawain at tanggapin ang mga taong may autismo na kabilang ng lipunan na mayroon ding karapatan. Isang panawagan ng Autism Society Philippines na igalang ang mga taong may autismo, wakasan ang maling pagamit ng salitang “autistic” at suportahan ang gawaing nagsusulong ng kanilang karapatan.

Memorandum by the Department of
Education declaring observance of
National Autism Awareness Week
Ang selebrasyong ng 17th Linggo ng Autismo ay sa pakikipagtulungan ng SM Programs on Disability Affairs, SM Supermalls, SM Cares, National Council on Disability Affairs (NCDA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Council for the Welfare of Children (CWC), House of Representatives Committee on Social Services, Buhay Party List,  Department of Transportation and Communication (DOTC),  Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Information Agency (PIA), Department of Education (DepEd), Metro Manila Development Authority (MMDA) Archdiocese of Manila Ministry for Persons with Disabilities (AMMPD), Civil Defense Action Group (CDAG), Norfil Foundation, Association of Adults with Autism, Philippines (AAAP), Autism Hearts Philippines, Liliane Foundation and Mandaluyong City.

Maging Anghel ng Autismo. Suportahan ang 17th Pambansang Linggo ng Autismo!

Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa 926-6941/929-8447 o bisitahin ang autismsocietyphilippines.blogspot.com