Boatmen at Danajon Reef. Photo by Dennis Estopace. |
Abot-kayang DOST rescue boat
Los
BaƱos, Laguna – Mas matibay, abot-kaya at gawang Filipino na DOST rescue boat ang ipinakikilala ng Department of Science and Technology
Regional Office IVA (DOST IV-A) na alternatibo sa mga imported at gawa sa
goma na rescue boat.
Ang DOST rescue boat na gawa sa fiber glass ay akmang gamitin sa mga rescue operation ng pamahalaan sa mga
lugar na nabahaan. At dahil gawa sa fiber
glass, ito ay inaaasahang matibay at hindi madaling mabutas kapag sumabit
ito sa mga matutulis na bagay gaya
ng mga nangyari sa ilang mga rescue boat
na ginamit sa mga nagdaang pagbaha.
Ayon kay
Engr. Alexander Madrigal, director ng DOST IV-A, “bukod sa pinamurang presyo
nito, pinaglaanan din ng panahon at talento ang pagbuo ng mga fiberglass rescue boat upang mapatibay
at magkaroon ng mas epektibong rescue
operation hindi lamang sa CALABARZON, kundi maging sa mga karatig lugar.”
Ipinaliwanag
ni Engr. Eric Bautista ng Technical
Services Division, DOST IV-A, na ang DOST rescue boat na idinisenyo nila ay pinagaan upang mapaandar gamit
lamang ang sagwan, ngunit ito ay may sapat ding tibay upang malagyan ng outboard motor. Dagdag pa rito, ang
bangka ay nagkakahalaga lamang ng Php180, 000, mas mababa ng halos kalahati
kumpara sa halaga ng mga rubber rescue
boat sa merkado.
Bukod sa
kakayahan na makapagsakay ng walo hanggang 12 katao, ang upuan ng DOST rescue boat ay maaring tanggalin upang
makapagbigay ng karagdagang espasyo para sa pagsalba ng malalaking kagamitan o
kaya ay malalaking hayop. Mayroon din itong maliliit na compartment para mapaglagyan ng mga kagamitang panligtas at ilang medical equipment. Gamit lamang ang
fiberglass, ang DOST rescue boat ay
sadyang idinisenyo na maging magaan upang madaling mamaneobra lalo na sa mga
masisikip na lugar.
Kaakibat
ng proyekto, isinusulong ang panukala na magkaroon ng pamantayan tungo sa
ligtas at maayos na pasilidad para sa mga lokal na manggagawa ng nasabing mga
bangka.
Suportado
naman ng pamahalaang lokal ng General Nakar sa Quezon ang proyektong ito, na
ayon sa kanila ay pinaghahandaan ang posibleng pagbaha mula sa mga ilog ng Agos
at Daraitan lalo na sa panahon ng tag-ulan. Sa kasalukuyan, ang mga lugar ng San Mateo , Cainta ,
Batangas, at Malolos ay may nakahanda nang sariling rescue boat.
Katulong
ang Maritime Industry Authority, Regional Disaster Risk Reduction Management
Council at mga lokal na kooperatiba, patuloy ang DOST sa pagbibigay ng mga
teknolohiya at kaalaman upang mapabilis ang mga pagresponde sa panahon ng mga
sakuna.
( Arjay C. Escondo, S&T Media Service, STII)